Linggo, Marso 15, 2015

pagkamakabayan / Nacionalism



               Ang pagkamakabayan ay nagpapahiwatig ng positibong pag-uugali ng isang tao sa kaniyang sariling bansa. Iniuugnay ito kadalasan sa etnosentrismo - ang paniniwalang na mas mataas ang nasyonal o etnikong grupo sa iba, at maaaring gamitin bilang pamantayan sa paghuhusga sa kanila.

               Nationalism says the positive behavior of a person to his country. It is usually being related in ethnocentrism - the belief that national or ethnic group is more greater than others, and can be used as a standard on judging them. 

Magalang / Polite


Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang.Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo.  Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

One beautiful habit of the Filipinos is kissing the hand or the cheeks and pagmamano to the elderly. It is a form of respect. Filipino children also show their respect when they are talking to the elderly. They are using "po" and "opo". They are also using polite words in calling elderly like kuya, ate, manong, lolo, lola etc.

Sinigang



          Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na maaaring may sangkap na karne, isda o iba pang laman-dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.


          Sinigang is a Filipino soup or stew characterized by its sour and savoury taste most often associated with tamarind (Filipino: sampalok). It is one of the more popular viands in Philippine cuisine, and is related to the Malaysian dish singgang.
While present nationwide, sinigang is seen to be culturally Tagalog in origin, thus the versions found in the Visayas and Mindanao may differ in taste (mainly ginger is an additional ingredient). Fish sauce is a common condiment for the stew.

Masayahin / Cheerful


        Ang maging masaya ay pangkaraniwan. Lahat tayo ay nagnanais na maramdaman ang maging masayahin sa tuwina. Ang Pilipino ay may ugaling tawanan lang ang problema. Kahit anong problema ang dumating matatapos din ito at mawawala.

     To be happy is common. All of us want to always feel glad. Filipinos have the habit to laugh problems. Whatever problem it is, it will all be finished and be gone.

Tarsier


              Ang Tarsier ay isang mammal na matatagpuan sa Bohol. Isa ito sa pinakamaliit na hayop at isa itong nokturnal o aktibo tuwing gabi kung kailan naghahanap sila ng kanilang mga makakain. Kilala ang mga ito sa kanilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan. Sa Timog Silangang Asya kalimitang matatagpuan ang mga ito.

             Tarsier is a mammal that is seen in Bohol. It is one of the smallest and it is nocturnal or active at night when they are searching for food. They are known for their large eyes. These are the ones helping them search for food in the middle of the forest. They are usually found in Southeast Asia. 

Chocolate Hills




               Ang mga  Chocolate Hills ay isang anyong lupa ng Bohol sa Pilipinas. Nababalot ng mga luntiang damo ang burol kung tag-ulan at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging "Chocolate Hills" ang pangalan nito.Sikat na atraksiyon ang mga ito sa Bohol. Makikita ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.

             Chocolate Hills is a land formation of Bohol in Philippines. It is covered in green grass in rainy season and turns chocolate in color in sunny season, that is why its name became "Chocolate Hills". It is a famous attraction in Bohol. It can be seen  in the provincial flag and seal of the province of Bohol that symbolizes the rich resources of the province.

Butanding



               Butanding ay ang pinakamalaking isda sa Pilipinas. Naninirahan ito sa maligamgam na tubig ng Bohol at Sorsogon. Kinakain nito ang maliliit na lamandagat.

              Whale shark is the biggest fish in the Philippines. Its live in the warm waters of Bohol and Sorsogon. It eats little seafood.

Lechon



            Ang litson o letson ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na maluto sa kawayan habang nakalagay sa nagbabagang mga uling.


            Lechón is a roasted whole pig, young or not, that is usually had an apple put in its mouth after it is cooked on a bamboo stick in hot coal.

Kasipagan / Diligence

       
               Kilala ang mga Pilipino sa pagiging magaling at mahusay na manggagawa. Kilala sila hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Kilala sila dahil sila ay propesyunal. mahalaga at pinasasalamatan  sila ng kompanyang kanilang pinaglilingkuran dahil sa kanilang kahusayan, kasipagan, at pagkakaroon ng kawili-wiling personalidad.

      Filipinos are known because their wellness and great workers. They are known not just in the Philippines but all over the world. They are known because their are professional. They are important and thankful to the company where they are working because of their greatness, diligence, and good personality.

Boracay Island


         Ang Boracay ay isang maliit na isla sa Pilipinas. Ang Boracay Island at ang kanyang  mga dalampasigan ay nakatanggap na ng maraming travel publications at agencies. Ang isla ay binubuo ng barangay ng Manoc-manoc, Balabag, at Yapak sa munisipalidad ng Malay, sa Aklan Province. Ang isla ay pinangangasiwaan ng Philippine Tourism  Authority at provincial government  ng Aklan. Bukod sa kanyang mapuputing buhangin, ang Boracay ay kilala rin bilang isa sa magagandang destinasyon upang magpahinga sa buong mundo.
          Boracay is a small island in the Philippines. Boracay Island and its beaches have received awards from numerous travel publications and agencies. The island comprises the barangays of Manoc-Manoc, Balabag, and Yapak in the municipality of Malay, in Aklan Province. The island is administered by the Philippine Tourism Authority and the provincial government of Aklan. Apart from its white sand beaches, Boracay is also famous for being one of the world's top destinations for relaxation.

Philippine Pangolin



   Ang Phlippine pangolin o Palawan pangolin, kilala rin sa pangalang malintong (Manis culionensis), ay isang hayop na malapit na maubos  sa Palawan province ng Pilipinas. Ang Philippine pangolin ay isang mammal. Ang kaniyang pangunahing tirahan ay mga gubat  at pati na rin ang damuhan. namamatay ang mga hayop na ito dahil sa sobrang pangangaso, dahil sa kaniyang pinangangahalagahang kaliskis at karne. Itong hayop na ito ay makikitang sobrang kamag-anak ang Sunda pangolin. Kung ikukumpara mo sa Sunda pangolin, ang Philippine pangolin ay may mas maliit na kaliskis at mas maikling ulo.

The Phlippine pangolin or Palawan pangolin, also known as the malintong (Manis culionensis), is a specie endemic to the Palawan province of the Philippines. The Philippine pangolin is a mammal. Its habitat is forests, as well as grasslands. This species is at risk due to heavy hunting, because of its valued scales and meat. This species can seen to be very closely related Sunda pangolin. Compared to the Sunda pangolin, the Philippine pangolin has smaller scales and a shorter head.

Sabado, Marso 14, 2015

Pamilya ang Sandigan


Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t si ina’y responsable sa aming kinabukasan.
Ang Diyos ang sandigan sa aming pamilya.

Mga anak'y pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod,
Sapagkat puhunan daw iyon sa paglaki ng maayos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod,
Kahit na mangapal ang palad sa pagod,
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging nasisip.

Adobo



           Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pililpino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at paminta ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang. Ito ay minsan itinuturing bilang pambansang lutuin ng Pilipinas. Nagmula sa wikang Kastila ng Espanya ang salitang adobo na nangangahulugang "inatsara" o "kinilaw"

              Adobo is one of the popular and most known traditional Philippine cusine inside and out of the Philippines. Its ingredients are being cooked in vinegar, soy sauce, garlic, and pepper. The meat in the dish is fried before putting vinegar and garlic. It has sometimes been considered as the national dish in the Philippines. The word adobo came from the Spaniards of Spain that means "marinate" or "pickled".

Mt. Apo



               Ang Bundok Apo ay isang aktibong bulkan sa isla ng Mindanao sa Pilipinas . Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas at makikita siya sa gitna ng Davao City at Davao Del Sur Province at Cotabato Province.Noong Mayo 9, 1936, ito ay idineklara ni Pangulong Manuel L. Quezon na Pambansang Liwasan. ang Bundok Apo ay sinasabing pinangalan sa isang lalaking nagngangalang Apong, na namatay noong gumitna siya sa laban ng dalawang nanliligaw sa kaniyang anak na babaeng si Saribu.Isa pang sinasabing pinanggalingan ng kaniyang pangalan ay sa salitang Apo na ang ibig sabihin sa Filipino ay "lolo".


               Mt. Apo is an  active volcano in the island of  Mindanao, Philippines. It is the highest mountain in the Philippines and is located between Davao City and Davao Del Sur Province and Cotabato province. On May 9, 1936, Mt. Apo was declared a national park by President Manuel L. Quezon. Mt. Apo is said to be named after a man named Apong, who got killed while mediating the battle between two suitors of his daughter Saribu. Another proposed origin of the name is from the word Apo itself, which in Filipino means “grandfather”.

Malikhain / Creative

             
                 Ang mga Pilipino ay malikhain. Makikita mo ito sa mga gawa nilang dekorasyon, imbensyon, sining, sa kanilang kultura at pati na rin sa pagkain.


        Filipinos are creative. You can see it in their handmade decorations, inventions, art, in their culture and even in food.